Friday, September 29, 2006

prehistoric

walang pc, walang ym, walang internet, walang kuryente, walang tv, walang dvd player, walang electric fan, walang aircon, walang ilaw, walang pasok, walang pagkain at walang pera. buti buhay pa ako. amf badtrip

Wednesday, September 27, 2006

bugok na itlog ng UP

Naiinis ako nung mapanood ko sa tv ang balita na may mga estudyante sa UP na nambato sa isang bisita nila. Nakakahiya sila. Taong pumunta doon yung bisita ngunit anong ginawa nila? Binastos nila. Nakakahiya talaga. Sabihin na nating malalim talaga ang galit nyo o may ginawa talagang masama sa inyo ang taong iyon, pero tama ba iyon? Innocent until proven guilty para sakin pero para sa inyo e guilty until proven innocent ata. Kahit saan mo tingnan ang sagot diyan ay hindi. HINDI tama yo'n. Sinasayang lang ng mga katulad n'yo ang buwis na ibinabayad namin na napupunta sa budget ng pamahalaan sa edukasyon. Mataas ang tingin ko sa mga nag-aaral sa UP. Sayang lang at nahaluan ng mga taong walang ginawa kundi mambato ng itlog.

Ang tigas pa ng mukha mo at proud na proud ka pang humarap sa kamera at nagpainterview. Alam mo ba ang nakalagay sa ilalim ng pangalan mo? Kung hindi pa, eto, "Nambato ng itlog". HAHAHAHA. Maganda pa nga yun kung tutuusin dahil para sakin, Isa kang bugok na itlog ng UP. Dapat sayo ma expel sa UP. Hindi ka bagay d'yan.

Ikaw ba ang naghahanap ng pagbabago sa ating lipunan? Bago ka humingi ng pagbabago e tingnan mo kaya muna ang sarili mo. Double check muna dude. Natutulog ka ata nung itinuro ang GMRC nung grade school ka. Pwe!

disclaimer: hindi ko ka-ano ano at kakilala yung binato nyo at hindi ko rin sya pinapanigan.

Saturday, September 23, 2006

test

mic test test mic test :D